Sunday, November 1, 2015

TAGALOG VERSION, KILIGMANGA series, ACTION HERO, Part 9: When Villains Are Not Really Cute, Not Even Popular!, STARRING KathNiel & LizQuen

Biglang hit ang Diary Ng Panget nang maipalabas ito sa mga tinatawag na pirate sites noong October, 2014. Noong una, akala siguro ng mga Villains na tsamba lang yon pero naging sustained pala ang kasikatan ng mga Pinoy teen stars. Nagsimula silang kabahan nang maging hit din ang isa pang Pinoy teen film na She's Dating The Gangster na unang ipinalabas noong New Years Day 2015 sa Spanish site na Cineasiaenlinea, kaya mula Oktobre hanggang sa simula ng 2015 ay namayagpag ang mga Cute Pinoy. Kokonti lang ang pelikulang Pinoy na ipinalalabas pero dahil sa sobrang kakyutan nila, nang-agaw pa rin ang mga Cute Pinoy ng eksena at namayagpag nga sila dahil sawa na talaga ang mga manunuod sa mga mukha ng mga datihan na. Karamihan sa mga tumatangkilik sa mga pirate sites ay mga kabataan na nagtitipid ng allowance kaya tinarget sila ng nga Villains in the first place. Ayon sa teorya ng nga Villains, parte ito ng isang social engineering project na sanayin daw ang mga bata sa isang bagong criteria ng kagandahan, na sa pamamagitan daw ng propaganda ay palalabasing sila KUNO ang maganda at hindi ang mga nakasanayan na... para lumaki raw ang mga ito na sila ang kinukunsidera na tunay na maganda

Hep, huwag matawa- alam natin katawatawa talaga pero serious po ang mga Villains at ang kanilang co-delusional na may pakana nito.

Paano sila lalabas na maganda kung sawa na sa kanilang pagmumukha? Sa laking panlulumo ng mga Villains, mali ang akala nila dahil sa totoo lang, sawang-sawa na sa kanilang pagmumukha ang mga kabataan, at isang delusyon lang ang social engineering project na yon. At sa laking panic nila ang biglang paglitaw ng mga Cute Pinoy (na matagal na itinago dahil kokonti lang ang pelikulang Pinoy na pinalulusot) ang naging definitive proof na ang tunay na maganda sa Asia ay dumating na...



MR. TA KYUT: Masisira ang plano na tayo ang tatanghaling standard ng kagandahan sa buong mundo balang araw! Dapat ay babaguhin natin ang mga pamantayan... Na tayo ang magiging standard ng kagandahan... Pero sinisira ng mga hampaslupang Cute Pinoy ang lahat!


CHIEF KAMPON: Bakit kasi ang cute-cute talaga nila?  Dapat sila ang naging tayo, Big Boss... sana di tayo ngayon nagmumukhang matatapang ang apog na nagkukunwaring may itsura!
MR. TA KYUT: Ulol, pati ikaw, di rin tinatablan ng propaganda natin? Dapat, lokohin mo sarili mo na tayo ang maganda! TAYO ANG MAGANDA! Na tayo ang magiging standard ng kagandahan sa buong mundo!
CHIEF KAMPON: Paano ba yan, Boss... sa Asia, nilalampaso na nga tayo ng mga Cute Pinoy... sa mundo pa kaya?
MR. TA KYUT: Bobo ka talaga, yagit ka...! Ano ba ang akala mo sa mga Cute Pinoy, masasapawan tayo ng ganon-ganon lang? Wala na  mang magagawa ngayon sa ating pagmumukha ang Plastic Surgery.... pwede pa rin naman tayong manabotahe. SABOTAGE! Narinig mo?... SABOTAGE!

Samantala, tuwang-tuwa pa rin ang mga Cute Pinoy dahil narinig nilang nakukyutan talaga ang marami sa kanila...
Sweet smiles talaga, wala silang kamalay-malay tumatalas na ang mga kuko sa dilim...

VOICE-OVER (bading): Naku, ano ba yan ... ano raw ba yang Dive-Diversity na yan, Standard agad dapat?.... Standard ng Kagandahan? ... di kaya... Standard ng Kababalaghan? Naku, akalain mo... may ganoon pala!!! Delusion Galore! Mismo!
BWA HA HA HA 


Abangan...

3 comments:

  1. Di nila maintindihan na ang Diversity ay hayaan ang lahat mamulaklak, di ibig sabihin na kitlin mo ang iba dahil lang sa mas maganda ang tubo nila. Ano ba yan na yong masama pa ang talulot ang gustong maging orchids

    ReplyDelete
  2. Good job, natawa talaga ako pagkabasa nito. Kuhang-kuha mo, matagal na actually akong tumatawa, akala ko ako lang nakakahalata

    ReplyDelete