Wednesday, September 9, 2015

KILIGMANGA series, ACTION HERO, Part 8: Kapag Sumobra Na Ang Inggit.... KADIRI PA MORE!!!, STARRING KathNiel & Lizquen, with Special Guest Jadine

CHIEF KAMPON: Big Boss, Big Boss, talagang di na mapigilan ang mga Cute Pinoy... lumalakas ang request sa isa pang pelikula ni James Reid, ang Talk Back and You're Dead. Talagang painit nang painit ang mga Cute Pinoy... South America, Russia, Asia...Naku, tahasan nilang sinasabi sawang sawa na sila sa mga pagmumukha natin...
MR. TA KYUT: Mga gago kayo kasi, dapat di nyo pinalusot ang Diary ng Panget. Mula Oktobre last year, flying high na ang mga Cute Pinoy, magpe-Pebrero na, dapat putulin na ang pamamayagpag nila. Ano, sasapawan lang nila nang basta-basta ang mga nakakatakyut na Villains? I-delete lahat ang mga requests sa Talk Back sa Cinemaenlinea. Huwag nang hayaang maging tidal wave ang mga request ng fans! Nipped in the bud, ika nga! He he he!
MR. TA KYUT: Sabotage!!!... yes, this is sabotage pero dapat di halatado ang mga istrok natin. Ngayon din, dapat i-pull out ang subtitle ng Diary ng Panget sa Asia-team... sabihin for correction... ayaw natin kunyari na mali ang ibinibigay nating subtitle...  Kesehodang Oktobre pa ay may subtitle na pinag-enjoyan na ng marami sa ibang mas maliit na websites.
MR. TA KYUT:  He he he... akala ng mga Cute Pinoy, patuloy silang mamayagpag at tuluyang ibaon ang mga Villains  sa kangkungan. Ano, kahit ba wala nang magagawa ang Plastic Surgery sa atin... puwede naman tayong mag-sabotage!  At nagsisimula pa lang yan..  sabotage! SABOTAGE! SABOTAGE!

Samantala, relax lang ang mga Cute Pinoy, tuwang-tuwa sa balita na marami ang nakukyutan sa kanila... walang kamalay-malay na ang mga kampon ng kadiliman ay nagngingitngit sa kanilang kakyutan...

VOICEOVER (bading):   Naku, ibang klase... ang tapang kasi ng apog na magkunwa-kunwaring mga kyut samantalang wala namang nagsasabi kundi sila-sila rin... tapos ngayon, mag-aalboroto sa inggit... may gana pang manabotahe, ha!!! Kadiri pa more!!
BWAHAHAHAHA


Abangan


No comments:

Post a Comment