Sunday, September 6, 2015

KILIGMANGA series, ACTION HERO, Part 7: Kapag Magpanggap Ka At Mabuko, STARRING KathNiel & LizQuen

Nagpatayo ang mga Villains ng mga pirate sites sa Internet kung saan ipinalalabas nang libre ang mga Asian films. Libre para makagoyo ng manuood, yong mga kuripot na gusto makapanuod nang libre. Kunwari ay para promotion daw ng Asian films pero ito ay propaganda front ng mga Villains para i-promote ang primacy ng pop culture nila sa Asia, kung saan tahasang pinalalabas nila na sila ang cute sa Asia (malakas ang loob mag-ilusyon dahil akala nila, na-solb na ng Plastic Surgery ang mga problematic nilang mga itsura). Mapapansin na kokonti ang pelikula galing sa mga bansa na talagang cute ang mga tao gaya sa Pinas. Pero paano kung bigla ay nag-hit ang mga kokonting pelikulang Pinoy na nakakalusot? Gaya nang nangyari sa Diary ng Panget ni James Reid na pinagkaguluhan noong Oktobre 2014? Tapos sinundan pa ng She's Dating The Gangster ni Daniel Padilla pagka-Enero ng 2015 kaya tuloy-tuloy ang pamamayagpag ng mga cute Pinoy na di inakala ng mundo na meron ganoon ka-cute sa Asia.
CHIEF KAMPON: Naku, Boss, patawarin nyo kami, di namin inakala na mag-hit nang husto ang mga Cute Pinoys. Di namin napigilan ang pag-hit ng Diary Ng Panget... ngayon, pati She's Dating A Gangster ay pinagkakaguluhan na rin. Kalat na ang balita na kyut talaga ang mga Cute Pinoys. Wala kaming magawa, cute naman talaga kasi sila e...
MR. TA KYUT:  Kaytagal nating nilimitahan ang paglabas ng mga pelikula ng mga Cute Pinoys para di matuklasan ng mundo na di pala ang mga Villains ang tunay na cute Asians kundi nagpapanggap lamang pala tayo... dahil ang totoo ay mas hamak na mas kyut ang mga Cute Pinoys sa atin... At dahil mga tanga kayo,  nakukyutan na masyado ang mundo sa mga Cute Pinoys ngayon...
MR. TA KYUT: Alam na nila na meron talagang tunay na mga cute sa Asia na di na kailangan i-propaganda ng katakot-takot. Huling-huli tayong nagpapanggap lamang pero pakapalan na lang... tutal, tadtad na tayo ng Plastic Surgery, di na tayo nakakaramdam ng maige...
MR. TA KYUT:  Ibig sabihin, walang silbi ang napakalaking nagugol nating mga Villains para sa propaganda na mang-uulol sana sa buong mundo na cute tayo. Ngayon bistado na, wala nang magagawa ang Plastic Surgery sa atin... magiging katatawanan na lang tayo. Grr!!! Magbabayad ang mga Cute Pinoys!!! Magbabayad sila!!!
"Cute kasi tayo kaya nag-hit ang She's Dating The Gangster!"
"Hit daw ang Diary ng Panget at She's Dating The Gangster sa mga pirate sites. Sana tuloy-tuloy ang swerte ng mga Cute Pinoy!"

VOICEOVER (bading):  Naku, kawawa naman ang mga Cute Pinoy... wala silang kamalay-malay, ang mga alipures ng Inggit ay nakatanghod sa kanila sa dilim...
Naku, magpanggap naman kasi ang walang K, tingnan mo, nagpupuyos tuloy sa galit... BWAHAHAHA!

Abangan

No comments:

Post a Comment