MR. TA KYUT: He he he... akala ng mga Cute Pinoy, patuloy silang mamayagpag at tuluyang ibaon ang mga Villains sa kangkungan. Ano, kahit ba wala nang magagawa ang Plastic Surgery sa atin... puwede naman tayong mag-sabotage! At nagsisimula pa lang yan.. sabotage! SABOTAGE! SABOTAGE!
Samantala, relax lang ang mga Cute Pinoy, tuwang-tuwa sa balita na marami ang nakukyutan sa kanila... walang kamalay-malay na ang mga kampon ng kadiliman ay nagngingitngit sa kanilang kakyutan...
VOICEOVER (bading): Naku, ibang klase... ang tapang kasi ng apog na magkunwa-kunwaring mga kyut samantalang wala namang nagsasabi kundi sila-sila rin... tapos ngayon, mag-aalboroto sa inggit... may gana pang manabotahe, ha!!! Kadiri pa more!! BWAHAHAHAHA
Abangan
|
No comments:
Post a Comment